Natapos na ng Bureau of Animal Industry(BAI) ang pinal na kopya ng mga guidelines na susundin sa sa pagtuturok ng mga bakuna kontra African swine fever (ASF) at bird flu.
Ang naturang draft ay una nang naisumite ng BAI sa Department of Agriculture (DA) legal team para sa clearance.
Kapag naibigay na ang clearance, isusumite ito sa opisina ni DA senior undersecretary Domingo Panganiban para sa panghuling lebel ng approval.
Para sa bird flu, tatlong uri ng bakuna ang inirekomenda ng BAI sa FDA (Food and Drug Administration) na maaaring angkatin sa ibang bansa.
Habang para sa ASF, inaasahan namang mailalabas ngayong linggo o sa unang linggo ng Oktubre ang resulta ng trial testing nito.
Inaasahan namang mailalabas na sa lalong madaling panahon ang nabuong guidlines, kapag natapos na ang ilang screening na pagdadaanan nito.
Maalalang ang ASF at bird flu ang dalawa sa mga sakit ng mga hayop sa bansa na labis na nagpahina sa industriya ng pagbababoy at manukan.