-- Advertisements --

frigatepn

Sinimulan na ng AFP Technical Inspection and Acceptance Committee (TIAC) ang pag-inspeksiyon sa pangalawang bagong gawang frigate ng Philippine Navy, ang BRP Antonio Luna (FF-151) sa Ulsan, South Korea.

Ang Frigate TIAC ay pinamumunuan ni Rear Admiral Alberto Carlos, AFP Deputy Chief of Staff for Logistics, J4.

Ayon kay Phil. Navy spokesperson Commander Benjo Negranza, ang inspeksyon ay nagsimula noong Enero 25 hanggang 30, kung saan titignan ang pagtupad ng Hyundai Heavy Industries sa Technical Specifications and Build Specifications (TS&BS) na nakasaad sa kontrata.

frigatepn1

Kung pumasa ang BRP Antonio Luna sa inspeksyon ay mag-iisyu ng Certificate of Final Acceptance sa Hyundai Heavy Industries ang TIAC team, para mai-deliver na ang barko.

Una nang nakapasa sa harbor at sea trials ang barko, pero dahil sa pandemya, naurong ang delivery date ng barko na orihinal na naka-schedule noong Oktubre.

Ang BRP Antonio Luna ang sister ship ng BRP Jose Rizal na ikinumisyon sa serbisyo noong Julyo ng nakaraang taon.