Inaasahan daw na ilalabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang pinal na listahan para sa mga tatakbong presidente at bise presidente sa bansa sa Disyembre 15.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, posibleng nasa 15 ang presidential candidates at 12 naman sa vice presidential race.
Sinabi ni Jimenez na kung sakali ay ito na ang pinakamaraming tatakbo sa pinakamataas na posisyon.
Ang pinakamaraming presidential bets ay naitala noong 1990’s at nasa 10 ang mga aspirants.
Samantala, sinabi ni Jimenez na idineklara na nilang nuisance candidates ang 82 sa 97 presidential bets,15 sa 28 na naghain ng certificate of candidacy (CoC) para sa vice president at 108 naman mula sa 174 na senators.
Sa ngayon, nasa 89 daw na kandidato ang humaharap sa mga petisyon para ipakansela ang kanilang mga CoCs.
Kabilang na rito ang dalawang petisyon laban sa presidential aspirant na si dating Sen. Bongbong Marcos at isa naman laban sa senatorial bet na si Raffy Tulfo.