Inanunsiyo ngayon ng Gilas Pilipinas ang pinal na pangalan ng 12 mga players na makakasama sa Belgrade, Serbia kaugnay sa Olympic Qualifying Tournament.
Kabilang sa mga ito ang 7-foot-3 na si Kai Sotto, Isaac Go, Jordan Heading, Geo Chu, Dwight Ramos, Mike Nieto, SJ Belangel, William Navarro, Justine Baltazar, RJ Abarrientos, Carl Tamayo, at ang naturalized player na si Ange Kouame.
Mauunang makakalaban ng Pilipinas ang powerhouse team ng Serbia sa July 1 (2:15 AM).
Sunod namang kakaharapin ng mga Pinoy ang Dominican Republic sa July 2 (2:30 AM).
Kabilang naman sa hindi nakasama sa final cut mula sa pool ay sina Jaydee Tungcab, Javi Gomez de Liano at Lebron Lopez.
Kung maalala sa katatapos lamang na FIBA Asia Cup qualifiers sa Angeles City, Pampanga ay tinapos ng mga Pinoy ang torneyo na walang talo.