Pinaghandaan na ngayon ng Commission on Presidential Debates ang final presidential debate nila ni US President Donald Trump at Democratic nominee Joe Biden..
Nakapokus ang komisyon sa pinal na debate ng dalawa matapos makansela ang kanilang pangalawa sanang pagtutuos.
Tinanggihan kasi ng Republican President ang gagawing virtual debate matapos itong nagpositibo sa coronavirus disease.
Dahil dito, ang pangatlo o ang pinal na debate ay mangyayari sa Oktubre 22 sa Nashville.
Una nang napagpasyahan ng komisyon na gawing virtual ang debate dahil sa health condition ng US president bagay na inayawan nito.
Tumanggi rin ang kampo ni Biden sa kagustuhan ni Trump na magharap silang dalawa sa gagawing debate.
Napag-alaman na sa Nobyembre 3 na ang halalan sa Amerika. (with report from Bombo Jane Buna)