-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine Embassy sa Israel na naging matagumpay ang final testing at ang sealing o pagpapatakbo at pagseselyo ng vote counting machines (VCM) na gagamitin sa halalan.

Isinagawa ito bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng overseas absentee voting (OAV) sa darating na Linggo.

Naging bukas naman ito sa mga kinatawan ng political parties at iba pang observer.

Ang testing sa mga balota at ang pagseselyo sa mga makina ay bahagi rin ng mga itinatakdang aktibidad ng poll body, upang matiyak ang kahandaan ng mga mangangasiwa sa halalan, pati na ang mga makinang gagamitin sa eleksyon.

Kasabay nito, tinuruan na rin ng technical team ang iba pang aalalay sa halalan hinggil sa proseso ng paggamit ng VCMs.

Tiniyak naman ng embahada na mahigpit namang paiiralin ang physical distancing sa pagdaraos ng OAV, upang maiwasan ang anumang posibilidad ng hawaan ng virus.