MANILA – Tuloy ang final window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa sa Hunyo at isa ang Pilipinas sa mga napiling venue ng naturang sporting event.
Ayon sa FIBA Regional Office, kabilang sa mga napiling venue ng basketball tournament ang Clark, Pampanga. Ito umano ang magsisilbing host ng “bubble” para sa Groups A, B, at C.
Habang sa Ammad, Jordan naman gaganapin ang mga laro ng Groups E at F.
“Organized in protected environment tournaments in order to ensure the health and safety of all participants, these games will determine the ten teams that will join Bahrain and Lebanon, already qualified for the event,” ayon sa statement.
Itinakda ang schedule ng FIBA Asia Cup qualifiers final window na gaganapin sa Pilipinas, sa June 16 hanggang 20. Sa June 12 hanggang 14 naman magaganap ang mga laro sa Jordan.
Pasok sa Group ang Pilipinas, kasama ang teams ng Korea, Indonesia, at Thailand.
Habang Chinese Taipei, Japan, Malaysia, at China ang magkakatunggali sa Group B. Binubuo naman ng Australia, New Zealand, Guam, at Hong Kong ang Group C.
Isang panalo na lang ang kailangan ng Gilas Pilipinas para makapasok sa FIBA Asia Cup.
Nauna nang nakasungkit ng pwesto ang host country na Indonesia, Bahrian, at Lebanon.
Gaganapin ang main tournament sa Agosto sa Jakarta, Indonesia.
Kung maaalala, unang itinakda ang final window ng FIBA Asia qualifiers noong Pebrero pero naantala dahil sa mahigpit na protocol ng Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.