-- Advertisements --
Eugenio Corpus 3rd

LEGAZPI CITY – Labis ang kasiyahan ng isang Bikolano composer matapos na muling mapabilang sa 12 finalists ng 3rd National Bombo Music Festival 2020 sa ikalawang pagkakataon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Eugenio Corpuz III na nagsulat ng kantang “Run,” inamin nitong naging problema niya ang kakaibang genre kaya’t pabago-bago ang bersyon ng kanta.

Ayon kay Corpuz, inabot lang ng isang linggo ang pagsulat sa awitin noong panahon na “hopeless” na sa kaniyang buhay dahil sa mga problema.

Inspirasyon niya umano ang magagawa para sa ibang tao kaya naisulat ang kanta na nilalayong mahaplos rin ang damdamin ng iba.

Nabatid na 10-anyos pa lang si Corpuz nang magsimulang magsulat ng kanta hanggang sa mahilig na sa pag-compose nito.

Noong nakaraang taon nang maging isa rin si Corpuz sa 12 finalists na naging daan ang gospel song na “Heal Me.”

BMF 3