BACOLOD CITY – Aminado ang ilang kandidata sa Binibining Pilipinas 2019 na mixed emotions ang mga ito, ilang gabi bago ang coronation night sa Linggo, Hunyo 9.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cassandra Coleen Chan na nagrerepresenta sa Bacolod City, inamin nitong halong kaba at excitement ang kanilang nararamdaman habang nalalapit ang judgment night.
Sa kabila nito, nangingibabaw aniya ang excitement na kanyang nararamdaman dahil sabik itong ipakita sa audience ang kanyang performance sa entablado.
Ang 24-anyos na si Chan ay pasok sa Top 10 finalists ng Best in National Costume competition at isa rin sa tatlong finalists sa talent competition kung saan sumayaw ito ng ballet.
Ayon kay Chan, komportable siya sa kanyang performance sa entablado kaya’t naniniwala siya na ito ang kanyang edge sa 39 candidates.
Umaasa naman ang University of the Philippines (UP) graduate na malalampasan nito ang question and answer portion.
Aniya, excited na itong irepresenta ang Bacolod at ipakita ang costume ng Bacoleño designer na si Tony de Ramos.
Umaasa naman itong susuportahan ito ng mga taga-Negros Occidental sa online voting.