Bagaman isang panalo na lamang ang kailangan para maibulsa ang Championship trophy, naniniwala si Jaylen Brown na hindi pa rin magiging madali ang laban kontra Dallas.
Nagawa kasi ng Mavs na patunayan ang maganda nitong opensa gamit ang 38 point win labans a Celtics.
Ayon kay Brown na siyang no.1 sa NBA Finals MVP ranking, tiyak na magiging mahirap ang ang kanilang magiging laban. Hindi rin aniya inaasahan ng koponan na bibigay na lamang ang Dallas.
Aniya, kinailangan nilang mag-regroup at gamitin ang pinagdaanang pagkatalo bilang magandang learning experience.
Sa kasalukuyan, hawak pa rin ng Boston ang alas sa pagpasok ng Game 5 sa kabila ng 38-point loss na kanilang dinanas sa kamay ng Mavs nitong Sabado, June 15.
Ang naturang margin ay ang 3rd largest sa kasaysayan ng NBA at siya ring pinakamasaklap na pagkatalo ng Boston sa Finals history. Sinundan nito ang 137 – 104 o 33-point loss na dinanas Boston sa kamay ng lakers noong 1984.
Samantala, kung magawa ng Boston na maipanalo ang kasalukuyang Finals, ito na ang pang-18 na championship trophy ng koponan.
Huli itong nanalo ng kampeonato noong 2008 sa pangunguna nina NBA star Kevin Garnett, Ray Allen, at Paul Pierce.