-- Advertisements --
image 633

Pinawi ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang pangamba sa posibleng epekto ng pagtapyas ng taripa sa mga inaangkat na bigas ng bansa.

Ayon sa kalihim, aabot na sa P17 billion ang nakolektang revenue ng pamahalaan kayat hindi ganun kalaki ang epekto ng pagbaba ng taripa.

Ipinunto din ng Finance chief na kailangan lamang ng pamahalaan na makakolekta ng P10 billion mula sa rice import tariffs o para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Ang naturang pondo kasi ay ginagamit para sa pamimigay ng farm machinery at mga kagamitan, credit assistance, seed development at pagsasanay para mapataas ang ani at competitiveness ng mga lokal na magsasaka ng palay.

Una na ring ipinanukala ng Department of Finance ang pansamantalang pagbaba sa kasalukuyang taripa ng rice imports na 35% sa 0% o 10% para sa ASEAN at Most Favored Nation (MEN) upang makontrol ang pagsipa sa presyo ng bigas.

Sa kabila nito, ayon kay Sec. Diokno, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang may final say sa naturang panukala.