-- Advertisements --
Inatasan ng Department of Finance (DOF) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na tuluyang ipasara ang mga Philippine offshore gaming operators (POGO) na hindi nagbabayad ng buwis sa kanilang mga dayuhang manggagawa.
Ito ay sa pagmamatigas ng ilang mga POGO ng buwis na aabot sa P21.62 kahit na nagpadala na sila ng mga demand letter.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, na ito ang tanging paraan para gumalaw ang mga nasa likod ng POGO.
Makikipag-ugnayan na sila sa Labor Departments, Bureau of Immigrations at Philippine Amusement and Gaming Corporation.