Naaresto na ng mga otoridad ang umanoy finance officer ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac.
Matapos ang ilang buwang pagtatago ay naaresto si Pan Meishu na umanoy finance officer ng POPG Zun Yuan Technology habang ito ay kumakain sa isang restaurant sa lungsod ng Pasay.
Pinangunahan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) kasama ang Bureau of Immigration (BI) at Armed Forces of the Philippines ay inaresto si Meizhu.
Si Pan na isa ring Chinese Citizen ay maaring maharap sa kaso na gaya ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na human trafficking at money laundering.
Sinabi naman ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, na si Pan ay direktang nagtatrabaho sa ilalim ni Walter Wong Long ang co-accused ni Guo.
Dagdag pa ni Cruz, na kanilang pinag-aaralan pa ang ibang mga kaso na maaaring isampa kay Pan.
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng PAOCC si Pan.