-- Advertisements --
diokno

Binigyang-diin ni Finance Secretary Benjamin Diokno na handa siyang makapanayam at maipaliwanag sa publiko ang isinusulong ngayon na kontrobersyal na Maharlika Investment Fund.

Noong nakaraang linggo, napag-alaman sa isang survey ng Social Weather Station (SWS) na 51% ng mga Pilipino ang umaasa nang kaunti o walang benepisyo na makukuha mula sa MIF.

Base rin sa survey, 33% ang nagpahayag na kakaunti lamang ang kanilang kaalaman patungkol sa MIF, samantalang 47% ang nagsabi na wala silang alam tungkol sa panukala.

Hindi naman na nasurpresa si Diokno sa pag-amin ng mga respondent na kakaunti o wala silang kaalaman tungkol sa MIF.

Kaya naman inihayag ng chief economic manager ng kasalukuyang administrasyon na handa siyang ma-interview nang mas malalim kahit na aniya ilang oras pa.

Una rito, nasa MalacaƱang na ngayon ang panukalang paglikha ng pondo at naghihintay na lamang ng lagda ng Pangulo.

Sinabi ni Marcos Jr. na agad niyang pipirmahan ang MIF bill bilang batas sa oras na maipaabot na ito sa kanyang opisina.

Ang mga implementing rules and regulations ay nasa huling yugto na rin ng pagbabalangkas.