-- Advertisements --
diokno

Pinangunahan ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang mga nangungunang economic managers ng bansa sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa panukalang paglikha ng Maharlika Investment Fund (MIF), isang sovereign investment fund na naglalayong isulong ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kita mula sa mga ari-arian ng gobyerno at investible reserves.

Binuksan ng Senado ang unang public hearing sa Maharlika Investment Fund sa pangunguna ni Sen. Mark A. Villar.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang komposisyon ng 15-member board of directors ng Maharlika Investment Fund na ang chairperson, ayon sa kasalukuyang mga bersyon ng panukalang batas mula sa Senado at House of Representatives, ay ang Kalihim ng Department of Finance.

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF), ibinunyag ni Diokno, bilang tugon kay Sen. Juan Edgardo Angara, na may listahan ang Department of Finance (DOF) ng mga posibleng asset ng gobyerno na maaaring ibenta para matustusan ang Maharlika Investment Fund (MIF), na inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan at nakabinbin sa Senado.

Ang ilan sa mga asset ng gobyerno ayon kay Diokno ay isinapribado nila at ginagamit ang mga nalikom para sa badyet, ngunit ang ilang mga asset, tulad ng Mile Long Property, ay maaaring gamitin bilang isang mapagkukunan ng pondo at maaari aniyang ibenta nang buo.

Isa pang asset ng gobyerno na ibinunyag ni Diokno na maaaring gamitin para sa Maharlika fund ay ang Caliraya-Botocan-Kalayaan Hydroelectric Power Plant.

Binigyang-diin din ni Diokno na ang mga proyektong pang-imprastraktura gamit ang sovereign wealth fund ay maaaring makumpleto nang mas mabilis kumpara sa pinondohan ng national budget, na binanggit aniya ang kaso ng Bicol International Airport na tumagal ng mahigit isang dekada bago natapos.