Hiningi ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang suporta ng private sector upang suportahan ang Marcos administration’s economic plan na naglalayong ilagay ang Pilipinas sa mga ranggo sa tinaguriang high-flying Southeast Asian neighbors.
Ginawa ng kalihim ang panawagan sa ginaganap na 48th Philippine Business Conference and Expo.
Binigyang diin ni Sec. Diokno ang pagiging stable at pagsisikap ng business sector na manatiling malakas ang ekonomiya sa kabila ng matagal ng pagharap sa krisis dala ng Covid-19 pandemic.
Una rito, umangat ang ekonomiya ng Pilipinas sa 7.8 percent sa first semester na nagpapakita umano na kayang makamit ng gobyerno ang full-year target na pag-angat ng hanggang sa 6.5 percent at 7.5 percent.
Binigyang halimbawa rin naman ni Secretary Diokno ang paglakas din ng investor confidence patunay na ang pagpasok ng foreign direct investment na itinuturing na highest-ever noong nakaraang taon na nasa $12.4 billion.
Ito rin naman aniya ay napanatili raw hanggang ngayong taon lalo na sa unang anim na buwan.