Ipinag-utos ni Finance Sec. Carlos Dominguez at Agriculture Sec. William Dar ang agarang paglalabas ng tulong pinansyal para sa mga magsasakang umaalma na sa mababang presyo ng bigas dulot ng Rice Tariffication Law.
Ang tulong ay manggagaling sa Survival and Recovery (SURE) program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) na attached agency ng Department of Agriculture (DA).
Si bagong Agriculture acting Sec. Dar ang chairman ng ACPC habang miyembro naman si Sec. Dominguez.
Ang manggagaling sa SURE program ay dagdag na tulong maliban pa sa P10 billion na Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF) o Rice Fund na ibibigay rin sa mga magsasaka mula na nalikom na gobyerno mula sa taripa ng mga aangkating na bigas.
Sinabi ni Sec. Dominguez, pansamatalang tulong mula ang sa SURE program habang lumilikom pa ng tariff revenues.
Sa pagtaya ni Dominguez, kayang lagpasan pa sa P10 billion ang tariff revenue ngayong 2019 na nangangahulugang mas malaki pa ang mapupunta tulong nito sa mga magsasaka.
Pero ang naunang P5 billion na inilaan ng gobyerno noong nakaraang taon ay nakatengga pa at hindi pa napapakinabangan ng mga magsasaka.