-- Advertisements --
nucos ofw singapore la union car crash

LA UNION – Nakapagbigay na ng higit P200,000 financial assistance ang Overseas Workders Welfare Administration (OWWA) sa pamilya Nucos.

Ito ang napag-alaman ng Bombo Radyo La Union mula kay Marissa Naboye, head ng social benefit unit ng OWWA Regional Office 1.

Aniya, inaantay din nila ang livelihood assistance na maibibigay sa pamilya at ang desisyon sa scholarship na ibibigay para sa mga pamangkin nito kung saan napag-alaman na ang magkapatid na sina Arcely at Arlyn ay kapwa dalaga na nanilbihan ng tatlong dekada sa bansang Singapore.

Samantala, ayon naman sa panganay na pinsan ng mga Nucos na si Erlinda Fider na sa Enero 18, 2020 ang libing ni Arlyn na unang imimisa sa isang Aglipayan Church sa Barangay San Carlos sa bayan ng Caba, La Union.

Kaugnay nito, napag-alaman mula naman sa employer ni Arcely na nasa mabuti na itong kalagayan bagaman at nakakaranas ito ng lagnat.

Naalis na rin umano sa kanya ang ilang mga aparato ngunit patuloy pa rin ang obserbasyon nito sa ospital.

Sa ngayon ay wala pa umanong alam si Arcely hinggil sa nangyari sa kanyang kapatid gayunman may psychologist naman ang ospital na nakahanda upang isailalim ito sa isang theraphy.