Sa kabila ng malaking bawas sa proposed budget ng Office of the Vice President, siniguro ni VP Sara Duterte na hindi sila hihinto sa pagbibigay ng financial at health care assistance sa mga sa mga mamamayang pilipino.
Ito ay sa kabila ng posibleng pagkakaroon ng mas kakaunting budget kumpara sa orihinal na proposed budget ng OVP.
Sa isang press conference, sinabi ni Duterte na mandato ng kanilang opisina ang magpaabot ng tulong sa mga mahihirap at nangangailangang Pilipino.
Sinabi ng pangulo na kabilang ito sa mga pangunahing pangangailangan ng lahat.
Higit sa lahat, ito ang pinakamalaking problema na hindi kayang mabigyan ng agarang solusyon kaya’t minabuti umano ng OVP na gawing prayoridad ang mga isyung ito para na rin sa mas maginhawang pagharap ng mga mahihirap na Pilipino sa kanilang mga sakit at pinansyal na problema