-- Advertisements --

ZAMBOANGA CITY – Personal na binisita ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Benjamin Madrigal at Western Mindanao Commmand (WestMinCom) chief Major General Cirilito Sobejana ang mga naging biktima ng pagsabog sa Tanjung, Indanan, Sulu.

Dito ay nag-abot sila ng financial at moral support sa mga pamilya ng mga nasawi at mga nasugatan sa nasabing pagasabog.

Sa panayam ng Star FM Zamboanga kay Major Arvin John Encinas, tagapagsalita ng WestMinCom, pinataas aniya ng mga opisyal ang moral ng ating mga kasundaluhan sa pamamagitan ng pagbisita nila sa nasabing area.