-- Advertisements --

Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at final reading ang panukalang Financial Consumer Protection Act.

Ang nasabing panukalang bata ay naglalayong protektahan ang mga consumers mula sa cybercrimes.

Isinagawa ang nasabing pag-apruba sa araw ng iniatas ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging urgent bill ang Senate Bill 2488.

Nakakuha ng 19-0-0 ang nasabing panukalang batas.

Ayon kay Senator Grace Poe, ang may sponsor ng nasabing panukalang batas, na layon nito na mapalakas ang karapatan ng mga consumer na magkaroon ng pantay na pagtrato at pagkakaroon ng transparency sa mga financial institutions.

Base kasi sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mayroong silang natanggap ng 2,456 na reklamo na biktima ng cybercrimes.

Umaasa ang senador na sa pamamagitan ng nasabing batas ay mapapanatag ang loob ang mga consumers na hindi basta mawawala ang kanilang mga perang pinaghirapan at mapanagot ang mga sangkot.