-- Advertisements --

CEBU CITY – Patuloy ang pagbibigay ng Bangko Central ng Pilipinas-Cebu ng financial literacy program para sa mga estudyante pati na rin sa mga government employees.

Ito ang inihayag ni Hazel Cultura, ang acting senior executive assistant ng BSP-CEBU kaugnay sa ika-26 taon na anibersaryo ng institusyon.

Ayon kay Cultura na importante ang nasabing pamamaraan sa kanilang information campaign upang magbigay alam sa publiko lalong lalo na sa pag-iwas sa peke na mga salapi.

Aniya, mas maganda kung uunahin nila ang mga bata upang sa murang edad pa lang ay malaman na nito ang importansiya ng salapi at hindi basta na lang gastahin sa mga hindi importanteng bagay.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Cultura ang publiko na maging matalino sa paggastos ng pera at huwag basta na lang magpapaloko lalong lalo na nagsilabasan na ngayon ang mga investment scheme.

Alalahin diumano ng publiko na mahirap kumita ng pera kaya dapat naman na ito’y pag-ingatan.