Ginawang prayoridad ng PhilHealth Board of Directors ang pagtaas sa halaga ng corporation package para sa Hemodialysis sa PHP4,000 bawat session.
Ito ang kinumpirma ni Secretary of Health and Philippine Health Insurance Corporation Board Chair Teodoro J. Herbosa sa isang pahayag.
Ayon kay Herbosa, ito ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos at mungkahi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Sa naging rekomendasyon ni Philhealth Board Benefits Committee Chairperson OIC Assistant Secretary Albert Domingo, ay inaprubahan ang pagtaas na ito mula sa kasalukuyang PHP 2,600 kada session.
Inaprubahan rin ng board ang catheter insertion at blood transfusion payments na maaaring i-claim ng hiwalay sa main case para sa admission.
Sa Regular Meeting nito kahapon, tinalakay ng PhilHealth Board _en banc_ ang pagpapabuti ng financial coverage para sa Renal Replacement Therapy (RRT), na kinabibilangan ng Hemodialysis at Peritoneal Dialysis.
Ang susunod naman na hakbang ay isang detalyadong PhilHealth Circular at operationalization ng PhilHealth Management upang matiyak na ang pinabuting benepisyo ay maaari nang makuha.