-- Advertisements --
Hinihintay pa sa ngayon ng Comelec ang official findings ng NBI pahinggil sa kung nagkaroon nga ba ang “serious breach” sa sistema at operations ng Smartmatic.
Sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, sinabi ni Commissioner George Garcia na ng official findings ng NBI ang magiging batayan ng kanilang magiging aksyon kaugnay sa isyu.
Sa darating na Miyerkules ay tatalakayin ng Comelec En Banc ang naturang issue at pag-uusapan din ang mga concerns ng mga kongresista hinggil naman sa printing ng mga balota.
Ito ay matapos na matukoy na nasa 105,000 mahigit na mga balota ang depektibo matapos na dumaan sa verification process.