-- Advertisements --

Nakatakdang ilabas na ng World Health Organization (WHO) ang kanilang pagsisiyasat sa pinagmulan ng COVID-19.

Ayon kay Peter Daszak, isang miyembro ng WHO team of international experts na bumisita sa Wuhan City, China, na kasama sa findings ang wildlife trade sa China kaya kumalat ang virus.

Ang nasabing findings ay matagal ng naantala bago ito ay tuluyang ilalabas.

Wuhan tents patients coronavirus
Packed hospital in Wuhan City (file video grab)

Marami ring puna ang natanggap ng imbestigasyon ng WHO kung saan kinukuwestiyon ng ilang scientists at gobyerno ang pagiging independence ng pag-aaral habang ang China ay inakusahan ang US at ibang bansa na pinupulitika ang nasabing virus.

Noong nakaraang linggo ay ibinunyag ng Chinese Foreign Ministry ang tungkol sa findings ng WHO research.

Sinabi ni Fen Zijian ang deputy director ng Center for Disease Control and Prevention ng China at miyembro ng Chinese team na mayroong apat na posibilidad kung bakit dumating ang virus sa Wuhan ito ay sa pamamagitan ng frozen food, direktang contact sa mga tao, pag-kontak sa mga hayop at ang leak sa laboratory.

Mula ng pumutok ang virus outbreak ay nagsagawa na ng pagsisiyasat ang mga Chinese experts sa Huanan market ang lugar kung saan nagmula ang pagkalat ng virus.