Sa magkakasunod na walong taon ay hawak pa rin ng bansang Finland ang pinakamasayang bansa sa buong mundo.
Base sa United Nations sponsored na World Happiness Report, na sa unang pagkakataon ay nakapasok sa Top 10 ang Costa Rica at Mexico.
Bumaba naman ang puwesto ng United Kingdom na nasa pang-23 habang ang US ay nasa pang-24 na puwesto.
Inilabas ang 13th annual World Happiness Report kasabay ng International Day of Happiness nitong Marso 20.
Sinukat ang nasabing ranking sa pamamagitan ng pagtanong sa mga tao kung gaano sila kasaya sa kanilang pamumuhay.
Mayroong average score ang Finland na 7.736 out of 10 habang ang Denmark ay nasa pangalawang puwesto, pangatlo ang Iceland, pang-apat ang Sweden, pang-lima ang Netherlands, pang-anim ang Costa Rica, pang-pito ang Norway, pang-walo ang Israel, pang-siyam ang Luxemburg at pang-10 ang Mexico.
Nasa pang-57 naman sa kabuuang 147 na bansa ang Pilipinas na siiyang bumaba dahil noong 2024 ay nasa pang-54 ito.