-- Advertisements --
Pinagbawalan ng Finland na makapasok sa kanilang bansa ang mga pasaherong hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.
Ang nasabing hakbang ay para malabanan ang pagkalat ng Omicron variant.
Tanging mga pasahero na galing sa ibang bansa na mayroong negative COVID-19 test at fully vaccinated na ang papayagang makapasok sa kanilang bansa.
Ayon sa border guard spokesma na ang mga hindi bakunadong dayuhan ay kanilang itataboy maliban kung sila ay nasa listahan ng exceptions na kinabibilangan ng Finland residents, essential workers at diplomats.