-- Advertisements --
Nakuha ng Finland ang titulong pinakamasayang bansa sa buong mundo.
Ito na ang pang-anim na magkakasunod na taon na nakuha ng nasabing bansa titulo base na rin sa inilabas na World Hapiness Report 2023 ng United Nations.
Pumangalawa naman sa listahan ang Denmark habang pangatlong puwesto ang Iceland.
Sa mahigit na 100 na bansa ay nasa pang-76 ang rankings ng Pilipinas.
Ang nasabing ulat ay base na rin sa survey na isinagawa ng global analytics firm na Gallup.
Ibinase ang ulat base sa kinikita, kalusugan, kawalan ng kurapsyon at pagtulong sa mga nangangailangan.