NAGA CITY – Idinaan sa isang “very energetic” dance number ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Naga ang pagbubukas ng Fire Prevention Month sa lungsod ng Naga.
Nanguna mismo sa paghataw ang kanilang fire marshall na si Fire Chief Insp. Emmanuel Ricafort kasama ang humigit kumulang 20 mga BFP personnel na binansagang fireball dancers.
Maliban dito, nagkaroon din ng fire safety covenant signing kasama ang iba’t ibang stakeholders bilang pagpapaigting sa kampanya laban sa sunog.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ricafort, nabatid na mula Enero ay may limang bahay ng naitalang nasunog at 15 fire incidents.
Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal sa publiko ng kooperasyon upang matiyak ang ligtas na paggunita sa fire prevention month at sa mga susunod pang buwan.