LEGAZPI CITY – Pumalo sa 11 ang mga naiulat na fire cracker related injury sa Bicol kasabay ng pagsalubong ng bagong taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Sam Banico, ang coordinator ng Violence and Injury Prevention Program ng DOH Bicol, mas maraming fire cracker related injury ang naitala ngayon kung ikukumpara sa nasa dalawang kaso lamang ng nakaraang taon.
Sa kabila nito nagpahayag pa rin ng pasasalamat ang opisyal dahil mababa ang naitalang kaso ng mga nasugatan dahil sa paggamit ng paputok.
Aniya nakatulong ang mahigpit na abiso sa publiko laban sa paggamit ng mga iligal na paputok gayundin ang pagbabawal ng mga lokal na pamahalaan sa pagbebenta ng mga ito.
Maliban dito, nakatulong rin ang COVID-19 pandemic upang mabawasan ang paggastos ng mga mamamayan sa paputok.