DAVAO CITY – Opisyal nang binuksan ngayong araw, Marso 1, 2023 ang Fire Prevention Month 2023 Kick-off program sa SM Ecoland Parking area, sa Davao City, sa pamamagitan ng registration, zumba at motorcade.
Ayon kay Fire Senior Inspector Frances Marie Sendrijas, Bureau of Fire Protection (BFP) Xl information officer, ang pangunahing layunin ng kanilang programa sa buong buwan ng Marso ay magbigay ng impormasyon, matulungan ang mga pamilya at komunidad, at matiyak na ang mga tao ay mapoprotektahan laban sa sunog.
Pahayag pa ng opisyal, kailangan pa ring bumuo ng fire prone areas kabilang na ang fire safety awareness sa pamamagitan ng pagsasagawa ng drills, trainings at pagbuo ng community fire brigade dahil ang mga nabanggit ay 1st responders sakaling magkaroon ng sunog.