Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Central Visayas Regional Office ang isang fire safety officer chief dahil sa patong-patong na kaso.
Kinilala ng mga otoridad ang suspect na si Fire Inspector ROY SANGUEZA MAT. CASTRO ang Chief, Fire Safety Enforcement Section of the Bureau of Fire Protection.
Hinuli ito sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Section 3 ng R.A. 3019 o (Anti-Graft and Corrupt Practices Act); Direct Bribery under Article 310 ng Revised Penal Code as amended at Grave Misconduct sa ilalim ng R.A. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Ayon kay NBI Director Judge JAIME B. SANTIAGO,nag ugat ang mga kaso mula sa reklamong inihain laban sa subject sa NBI-CEVRO.
Ang complainant ay kinilalang si Rochelle Olinan Quimbo na aplikante bilang Fires Safety Officer I ng BFP.
Humingi umano ang subject ng Php400,000.00 sa complainant para mapabilang ito sa final listing ng oath-taking bilang Fire Safety Officer.
Matapos ang isinagawang entrapment operation ., matagumpay na naaresto si CASTRO ng mga ahente ng NBI.