-- Advertisements --

Mabilis na naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog na naganap isang kainan sa loob ng isang mall sa lungsod ng Paranaque.

Sumiklab ang sunog dakong alas-9:45 nitong gabi ng Miyerkules at matapos ang isang oras ay agad itong naapula.

Sugatan naman ang isang fire volunteer habang inaapula ang sunog.

Patuloy na inaalam pa ng mga otoridad ang naging sanhi ng sunog sa nasabing kainan.