DAVAO CITY – Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang naunang plano na ipatupad ang Total firecracker ban sa buong bansa ito ay para hindi mawalan ng hanapbuhay ang industriya ng paputok partikular na sa Bocaue Bulacan.
Sa kanyang Public address sa presidential guest house sa Panacan, kanyang sinabi na kung aabot pa siya ng susunod na pasko, papayagan niya ang paggawa ng paputok ngunit kailangan umano na gobyerno o Local Government Unit (LGU) at kapulisan ang gagamit o bibili nito.
Gusto ng Pangulo na fireworks display ang gagawin sa komunidad ito ay para ligtas sa mga tao at may Social distancing.
Sa nasabing hakbang ng pamahalaan, tiyak umanong hindi na malulugi ang mga gumagawa ng paputok sa Bocaue.
Kung maalala, una ng humiling sa Pangulo ang gumagawa ng paputok na papayagan na lamang sila na mag-export para hindi tuluyang malugi at magsara ang kanilang negosyo.
Ngunit nilinaw ni Pangulong Duterte na nasa Mayor pa rin ng isang lungsod ang desisyon kung magpapatupad ito firecracker ban sa kanilang lugar gaya na lamang dito sa Davao na nasa 19 na taon ng ipinatupad ang pagbabawal ng paputok.