Labinlimang karagdagang firecracker-related injuries ang iniulat ng Department of Health (DOH) kaya umabot na sa 277 ang kabuuang kaso nito.
Ito ay mas mataas ng 49 percent kumpara noong 2021 na 186 cases ngunit mas mababa ng 12 percent kumpara sa five-year average na 313 cases sa parehong yugto ng panahon.
Samantala, wala namang naiulat na namatay dulot ng paputok.
Tinukoy din ng naturang departamento na 80 percent o 220 sa mga nasugatan ay mga lalaki, ito ay 28 percent ng kabuuang mga biktima ang nagtamo ng mga pinsala sa mata, at 6 na porsiyento ay nauuwi sa mga pinsala sa pagsabog ng paputok.
Ayon sa Department of Health, 49 porsiyento ng kabuuang mga biktima ang aktibong sangkot sa paputok na ikinasugat nila, kung saan 55 porsiyento ng insidente ay naganap sa mga lansangan at 42 porsiyento naman sa kanilang mga kabahayan.
Una na rito, may kabuuang 131 na kaso ng naputukan ang naitala sa Metro Manila at ang tanging pinsalang dulot ng ligaw na bala ay naitala rin sa Metro Manila.