-- Advertisements --

Sumampa na sa 142 na kaso ng fireworks-related injuries ang naitala ng Department of Health (DOH) tatlong araw bago mag bagong taon.

Ayon sa ahensya sa nakalipas lang na 24-oras naitala nila ang 17 na bagong kaso ng napaulat na nasugatan sa mga iligal na paputok.

Kung saan mas mataas ito ng 35 percent na fireworks-related injuries sa bansa kumpara noong 2023 na 105 na kaso lamang ng fireworks-related injuries ang naitala ng DOH.

Nagabiso naman ang ahensya sa publiko na iwasan ang paggamit ng mga iligal na paputok at iwasan rin ang pagsindi sa mga ito ng sagayon makaiwas sa panganib ngayong darating na bagong taon.

Kung mangyaring maputukan ng mga iligal na paputok, itinagubilin ng DOH na agad pumunta sa pinakamalapit na ospital sa inyong lugar o tumawag lamang sa emergency number na 911 o 1555 para sa kaukulang tulong medikal.