Iniulat ng Department of Health (DOH) na nadagdagan ng dalawang bagong kaso ang firecracker-related injuries, kaya umabot na sa 25 ang kabuuang bilang.
Sa ulat nito, sinabi ng DOH na ito ay 108% na mas mataas kumpara sa 13 kaso noong nakaraang taon, ngunit 61% na mas mababa kaysa sa limang taong average na 92 na mga kaso sa parehong yugto ng panahon.
Samantala, 21 kaso o 84% ay dahil sa iligal na paputok habang pito o 30% ay dahil sa “boga,” ayon sa DOH.
Ayon sa DOH, nasa anim hanggang 34-anyos ang edad ng mga biktima.
Pitong kaso ang nagkaroon ng high blast o burn injury na nangangailangan ng amputation, 13 kaso ang blast o burn injury na hindi nangangailangan ng amputation, anim na kaso ang may pinsala sa mata at apat ang nagtamo ng maraming uri ng pinsala.
Nasa 15 naman ang mga aktibong gumagamit.
Sinabi ng kagawaran na 11 kaso ang nangyari sa bahay, 12 kaso ang nabiktima sa kalye, isa sa lugar ng trabaho, at isa sa basketball court.
Iniulat din ng departamento ang 11 kaso ng hand injuries.