-- Advertisements --

Ibubuhos na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng kanilang firefighting capabilities para tapusin na ang Maute-ISIS group sa Marawi City na patuloy sa pakikipaglaban sa mga government forces.

Tugon naman ito sa pinapakawalang sniper fires, mortar fire, anti-tank rounds at IEDS ng Maute-ISIS group para makapatay ng sinuman at makapanira ng mga properties kabilang na ang simbahan.

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipagpapatuloy ng militar ang pakikipaglaban sa teroristang grupo hanggang sila ay maubos nang sa gayon bumalik na ang normal na pamumuhay sa Marawi.

Naniniwala ang kalihim na para matigil ang patuloy na pakikipaglaban ng mga teroristang Maute kailangan na rin gamitan ang mga ito ng kanilang firefighting capabilities gaya ng armor, artillery at airpower capabilities bilang suporta sa mga tropa ng pamahalaan.

Inihayag ng AFP na magpapatupad sila ng security adjustments matapos magtamo ng maraming casualties sa hanay ng militar.