Pumanaw na ang lead singer ng hard rock band na FireHouse na si C.J. Snare sa edad na 64.
Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Heather dahil sa cardiac arrest.
Dagdag pa nito na ilan taon na rin nito ng nakikipaglaban sa cancer.
Tumulong si Snare na mabuo ang banda ng FireHouse noong 1987 matapos na magkawatak-watak ang dating banda nitong Maxx Warrior.
Nananatili siya sa bandang FireHouse ng halos 40 taon hanggang sa kaniyang kamatayan.
Bukod sa pagiging lead singer ay tumutugtog ito ng keyboard sa banda sa lahat ng pitong album na inilabas ng banda.
Ang kanilang self-titled album na una nilang inilabas ay nagkamit ng double platinum sa US.
Ilan sa mga kantang pinasikat ng banda ay ang “I Live My Life For You”, “When I Look into Your Eyes” at maraming iba pa.
Sinabi naman ng dating bassist at co-founder din ng banda na si Perry Richardson na si Snare ay isa sa mga may magandang boses sa kasaysayan ng rock music.