-- Advertisements --
image 10

Nakapagtala ang Pilipinas ng 51 bagong kaso ng fireworks-related injuries, kung saan umabot na sa 262 ang nationwide tally ayon sa inilabas na datos ng Department of Health.

Ang pinakahuling bilang ay 42 porsiyentong mas mataas kumpara sa naiulat sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Noong 2021, mayroong 185 firecracker blast injuries na naitala mula Disyembre 21 hanggang Enero 3.

Ayon sa pinakahuling surveillance report ng Department of Health, ang Metro Manila pa rin ang rehiyon na may pinakamaraming bilang ng mga nasugatan na may kaugnayan sa paputok na may kabuuang bilang na 126.

Ang top 5 naman ay ang Western Visayas, Ilocos Region, Central Luzon at Calabarzon.

Dagdag dito, ang pinakakaraniwang sanhi ng mga insidente ay galing sa kwitis, boga, 5-star at fountain.

Una rito, wala namang naiulat na namatay dahil sa mga pinsala mula sa paputok matapos ang pasko at bagong taon.