-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 4 na bagong fireworks related injuries ang naitala ng Department of Health.

Kayat pumalo na sa kabuuang 8 ang bilang ng mga biktima ng paputok 3 araw bago pa man ang Pasko.

Lahat ng bagong mga biktima ng paputok ay pawang mga bata na edad 8 hanggang 12 taong gulang.

Kung saan 3 dito ay gumamit ng iligal na paputok.

Kaugnay nito, hinikayat ng ahensiya ang mga magulang na iwasan ang pagbibigay ng paputok sa mga bata at bantayan ang kanilang mga anak at sa halip ay maging ehemplo sa pamamagitan ng paggamit na lamang ang mga alternatibong pampaingay kesa sa mga paputok.

Hinimok din ang mga lokal na awtoridad na pigilan ang pagbebenta at paggamit ng iligal na mga paputok at sa halip na magsindi ng paputok sa mga bahay ay mag-organisa na lamang ng community fireworks display.