NAGA CITY – Nababahala ngayon ang ilang residente sa Barangay Cararayan sa lungsod ng Naga dahil sa mga balang nakakarating sa kanilang mga bahay mula sa isang firing range.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa isang concern citizen na residente sa lugar, sinabi nito na natatakot sila sa kaligtasan ng kanilang pamilya lalo na ng kanilang mga anak.
Ito’y matapos na umabot na sa kanilang bahay ang mga bala na minsan ay tumatagos pa sa kanilang bubong at pader.
Ayon naman sa nagpakilalang Bernardo na isang residente ng nasabing barangay, sinabi nito na na bago pa magsimula ang naturang firing range ay mga ipinakalat sa kanilang lugar na isa umanong kasunduan ngunit hindi aniya pumirma ang mga residente.
Sa ngayon may mga narekober na ang residente sa lugar na mga basyo ng bala mula sa nasabing firing range.
Ipinaabot na din naman daw nila sa mga barangay officials ang nasabing pangyayari ngunit hanggang ngayon aniya ay wala pa ring pagbabago.