BUTUAN CITY – Iginiit ngayon ng grupong Malusog at Matalinong Bata o MMB Coalition na ikokonsidera ng gobyerno ang kanilang hiling na First 1,000 Days Grant upang matulungang masolusyunan ang isa sa pinakamalaking problemang kanilang nakita ngayon sa bansa, ang pagiging bansot ng isa bawat-apat na mga bata na base sa pag-aaral ay delikado.
Ito’y dahil ang mga batang kulang sa height ay madi-distinguish umano sa palaging late nilang pagpasok sa klase, mas maliit ang kikitain sa kanilang paglaki at mas taas ang posibilidad na sila’y magkaka-diabetes at may hypertension.
Iba umano ito sa mga batang normal at malulusog na na-prove na sa ginawang pag-aaral na mas malaki ang utak kumpara sa mga batang bansot na mas maliit lang ang utak.
Ayon kay Justin Muyot ng Malusog at Matalinong Bata (MMB) Coalition, karapatan ng bawat-bata na lumaking malusog at matalino.
Importante umano ang unang 1,000-days para sa isang bata simula nang siya’y ibuntis hanggang sa abot ng dos-anyos dahil dito umano magde-develop ang kanilang utak.
Sakaling ma-aprubahan, isasa-ilalim ito sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps upang matututukan ang nutrisyon ng bata na makaka-apekto ng malaki sa kanyang brain development.
Ang mga babaeng buntis at ang kanilang anak na dos-anyos pababa ay isasama na sa 4Ps upang madagdagan ang kanilang panggastos sa pagpapa-check, pati na ang pagpapalaki at pagpapakain ng bata provided na regular ang kanilang pagpapa-check up.