-- Advertisements --

Mabilis na naubos ang first wave ng 42,000 na tickets ng 2025 Eurovision Song Contest.

Kinumpirma ng organizers na ubos na ang unang batch ng tickets na gaganapin sa St. Jakobshalle indoor arena sa Basel, Switzerland.

Magaganap ang semifinals sa Mayo 13 at 15 habang ang finals ay sa Mayo 17.

Ang unang wave ng tickets para sa live show ay naibenta sa loob ng pitong minuto haang ang preview show ay na-sold out sa loob ng 20 minuto.

Nagkakahalaga ang tickets mula $44 hanggang $385.

Kabilang na inaabangan si Eden Goland na pambato ng Israel na siyang survivor sa ginawang pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7, 2023 sa Nova music festival.