Dumating na sa bansa ang una nitong 5,000 doses ng Sputnik Light ng na ibinigay ng Russia ang single-shot na bersyon ng kanilang flagship COVID-19 vaccine na Sputnik V.
Bukod dito, nakatanggap din ang bansa ng 2,805,000 pang Sputnik V jabs na binili ng gobyerno.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19 ang single-dose vaccine na binuo ng Gamaleya Institute ng Moscow ay inaprubahan para sa emergency na paggamit sa Pilipinas noong Agosto.
Nagpakita ito ng 79.4 porsiyentong bisa noong una itong pinahintulutan para gamitin sa Russia.
Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakahanda ang bansa na mag-order ng 10 milyong doses ng Sputnik Light.
Sinabi naman ng Russia na sa isinagawang research, ang Sputnik Light ay nagpakita ng 70 porsiyentong bisa laban sa variant ng Delta tatlong buwan pagkatapos ng injection.
Sinabi rin ng mga awtoridad ng Russia na ang single-dose vaccine ay maaaring gamitin bilang isang “pangunahing bakuna” o bilang booster.
Nauna nang sinabi ni Food and Drug Administration Director-General Eric Domingo na ang EUA ng Sputnik Light sa bansa ay aamyendahan upang maisama bilang isang “heterologious booster.”