Sinimulan na ng Cuba ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa mga bata na edad dalawang taong gulang.
Ito ang pinakaunang bansa na nagsimula ng inoculation sa mga bata gamit ang kanilang dalawang homegrown vaccines na Soberana-2 at Abdala.
Inaprubahan na ng kanilang Medicines Regulatory Agency noong nakaraang linggo ang emergency use authorization ng Soberana-2 vaccine para sa mga bata na nag edad dalawa hanggang 18-anyos.
Ang Soberana-2 ay isang two-dose vaccine.
Habang ang Abdala naman ay isang three-dose vaccine na gagamitin para sa mga adults.
Base sa report, ang mga bakuna na ginawa ng Cuba ay protein sub unit vaccines.
Gayunman ang mga ito ay hindi pa aprubado ng WHO.
Napag-alaman na mahigit 4 million na mga mamamayan ng Cuba ang fully vaccinated at target nito na mabakunahan ang mahigit 90 percent ng population o 11 million bago matapos ang buwan ng Nobyembre.
Iginiit naman ng kanilang local scientists na safe at effective ang Cuban-made vaccines.