Inanunsyo ngayon ng France health minister ang unang kaso ng coronavirus death sa Europa.
Ayon kay Minister Agnes Buzyn ang namatay ay 80-anyos na pasyente na naospital mula pa noong Enero 25.
Ang naturang pasyente ay isang Chinese tourist mula sa Hubei province.
Ito raw ay nagka-lung infection dahil sa COVID-19 virus.
Batay sa record ang pasyente ay dumating sa France noong Jan. 16 at nagpaospital hanggang sa naging malala ang kalagayan.
Ang anak na babae ng biktima ay naospital din pero inaasahang makakarekober ito.
Sa ngayon ang Europa ay meron ng kaso na umaabot na sa 46 dahil sa deadly virus.
Nasa siyam na rin na mga European nations ang merong kaso kung saan ang Germany ang may pinakamarami na umakyat na sa 16.
Nitong araw iniulat naman ng mga health authorities na lomobo pa sa 67,000 katao ang na-infect sa iba’t ibang dako ng mundo habang nasa 1,526 ang namatay.
Liban sa France at China, ang Hong Kong at Pilipinas ay nakapagtala na rin ng death incidents.
Ang biktima na pumanaw sa Pilipinas ay isa ring Chinese na nanggaling sa Wuhan, ang epicenter nang pinagmulan ng virus.
Kamakailan lang ang World Health Organization ay dineklara ang Coronavirus Disease bilang isang banta sa global health.
Hanggang ngayon wala pang sensyales na napipigilan ang pagkalat ng virus dahil panibago na namang mga kaso ang nadagdag sa labas ng China, tulad sa Japan, Thailand at Malaysia.