-- Advertisements --

Itinalaga ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang kauna-unahang babaeng tagapagsalita ng kanilang tanggapn si Captain Noemie Guirao-Cayabyab nitong linggo, Abril 20, 2025.

Ayon sa PCG, pangungunahan ni Cayabyab ang mga lead communications ng mga inisyatibo ng PCG at maski ang pagiging representante ng naturang organisasyon sa mga local at international na talakayan.

Dagdag pa ng PCG, ang pagpapakita ni Cayabyab ng dedikasyon at propesyonalismo sa trabaho ang naging dahilan kung bakit aniya siya ang natural fit para sa naturang role.

Samantala, ang pagkakatalaga naman kay Cayabyab bilang bagong tagapagsalita ng PCG ay hindi lamang nagpapakita ng gender equality ngunit isa ring halimbawa ng pagpapalakas ng women empowerment sa mga kababaihan sa mga organisayon.