Pinagtibay na bilang batas ang same-sex marriage bill sa Taiwan.
Itinuturing na landmark law ang hakbang ng Taiwan dahil kauna-unahang bansa ito sa Asya na kinilala ang gay marriage.
Ang pag-apruba ng kanilang Constitutional Court ay makalipas ang dalawang taon na ibinigay sa parliyamento.
Ang pagpapatibay ng mga mambabatas sa Taiwan’s Legislative Yuan sa same-sex marriage law ay magkakaroon ng epekto simula sa May 24.
Agad din namang nagbigay ng reaksiyon si Taiwan President Tsai Ing-wen sa pamamagitan ng Twitter: “Today we have a chance to make history and show the world that progressive values can take root in an East Asian society.”
Libu-libong mamamayan lalo na ang mga gay rights activists, ang bumuhos sa labas ng kanilang parliyamento at hindi inalinta ang mga pag-ulan para magkaroon ng selebrasyon.
Kasama naman sa pinagtibay ay ang Cabinet bill na sinuportahan din ng mga LGBTQ groups kahit ito ay kakaiba sa ibang mga panukala.
Halimbawa na lamang na ang isang Taiwanese ay hindi maaring makasal sa isang dayuhan na hindi legal ang same-sex marriage.