-- Advertisements --

Pangungunahan ni United States First lady Dr. Jill Biden ang delegasyon ng US sa opening ceremony ng papalapit na Paris Olympics.

Inanunsyo ito ngayong araw ng White House, kasabay ng pagbati sa 592 na atleta ng US na makikipag-laban sa iba’t-ibang event.

Habang nasa Paris, inaasahan ding bibisitahin ng unang ginang ang iba’t-ibang mga venue at manunuod sa ilang events.

Noong 2020 Tokyo Olympics, pinangunahan din ng unang ginang ang US Contingent.

Samantala, sa closing ceremony ay naatasan naman ang asawa ni VP Kamala Harris na si second gentleman Doug Emhoff na manguna sa delegasyon ng bansa.